Tuesday, December 29, 2009

Retreat

BSN43 Retreat
January 26-28, 2009

Retreat -- isang college event na gustung-gusto ng mga graduating students. Dito, nawawala, kahit saglit, sa kanilang mga pagod at aktibong isipan ang maraming "stressors" tulad ng requirements, exams at mga pahirap na professors. Mas nagiging malaya ang kanilang isipan, ang mga kani-kanilang saloobin ay nailalabas, mas nagiging makulay ang pagkakaibigan, at totoong napapansin ang Diyos sa panahong kailangan Siya.

May tatlong synonyms ang "Retreat". Una ay ang "Haven" na katulad ng activity ng section namin ngayon, pangalawa ay "Move Away", at panghuli ang "Departure". Sa pagkakataong ito, lapat sa tatlong synonyms ng retreat ang mga sumusunod: College Retreat para sa "Haven", "Departure" dahil sa nalalapit na Graduation, at "Move Away" para sa paglayo ko sa kanya, kay RRT.

Sa Cottage 7B, kasama ko sina YASM, KTD, RVM, RRT at DMS. Tingin ko'y tulog na silang lahat maliban kay RRT. Hindi makatulog si RRT; para bang may iniisip siya. Hindi ko alam ang nararamdaman niya ngayon. Dahil ba sa magkasama kami sa iisang kwarto o iniisip niya si BSB?

Tila ang oras ay bumabagal, nakakabingi ang katahimikan, nakatitig ako sa kanya ngayon. Isang pagkakataon, isang gabi, isang kasawian. Abot-kamay ko lamang siya. Pero ang isip niya'y parang nasa kabilang dako ng Oasis. Naalala ko tuloy ang nangyari sa Mini Stop, ang nagmulat sa aking mga mata sa katotohanang hinding-hindi ko siya mahahaplos kailanman. Kalmado ang lahat pero ang puso ko'y binabayo nang matinding inggit at selos.

Nakikita ko siya pero hindi ko maabot. Kami'y nasa isang bubong ngunit ibang tao ang nasa isip niya. Nagtatagpo ang aming mga mata subalit walang kislap. Sa iba'y tunay ang kanyang mga ngiti ngunit hindi sa akin.

Oasis of Prayer
Lalaan II, Silang, Cavite
Philippines

7 comments:

  1. This post makes me want to know more about you, RRT and whatever is between you guys.
    And your composition is really good!

    ReplyDelete
  2. Naks naman Raecen.
    Ganyan talaga pag baguhan hahaha, lalo na kapag ang mga modelo mo ay bago rin! hahaha.
    kapal ko naman, sinama sarili sa models mo. lol.

    RRT is taken. She's committed with BSB. Sila na. After maging sila, nagkaroon na rin ako ng GF.

    ReplyDelete
  3. And thank you sa papuri sa short composition na ito. :)
    Glad that you like it.

    ReplyDelete
  4. If you notice, ang RETREAT has letters RRT. lol. wala lang. hehe.

    ReplyDelete
  5. ooh, I see. so thats the end na rin ng "story" niyo?

    ReplyDelete
  6. Oo naman. Tapos na talaga. We're back to normal. Kung paano kami nung 3rd year, just classmates ganun.

    Then nagkaGF ako, i really love her.. i think i still have feelings for her, mahirap lang talaga kasi LDR.

    ReplyDelete
  7. LDR is hard nga lalo na pag premature pa lang yung love, its difficult na nga sa mga nagsasama ng matagl whatmore dun sa mga medjo bago palang. tsk tsk.

    ReplyDelete